Dentures

Denture maker's weblog about dentures, dental implants and his life

15 January
1Comment

Sino ang Dentist mo?

Naapektuhan ako ng Filipino time. Meeting namin sa dental chapter. Sabi 4:00 pm ang start. Galing ako sa dulo ng probinsya. Habang ang meeting ay sa kabilang dulo. Hindi ko kabisado ang lugar at nagtext ako. Tinanong ko kung saan banda ang venue. Walang nagreply. Matagal. Sa sobrang tagal, inamag na ako, tinubuan na rin ng gubat ang paligid ko. Wala pa ring nagreply.

Umuwi na ako.

Nasa bus na ako, isang nayon na ang layo. May tumawag. Bakit noon lang tumawag?

Dahil noon lang pala nagsimula. Advanced ang sinabi nilang oras. Kaya pala walang nagrereply. Sa akin naman, akala ko tapos na ang meeting kaya ako, papauwi na.

Hindi na ako nakaattend.

Kunsabagay hindi naman ako sikat na tao. Hindi importante.

Tulad na lang ng hindi pagreply ng professor ko. Tinatanong ko kung available siya sa January 20 para magpaopera sa kanya. O siguro akala niya, libre. Kaya ayaw niya magreply.

Basta naman ako ang nagpagawa nagbabayad ako. Alam ko ang pakiramdam ng pagtrabaho sa isang pasyente ng walang bayad. Kaya ako, eh nagbabayad. Ng sapat at sobra.

O marahil, siguro dahil sa wala akong pangalan. Hindi sikat. Walang tunog ang apelyido ko sa dentistry.

Ikaw, kilala mo ako?

 

One Response to “Sino ang Dentist mo?”

  1. kikilabotz says:

    ay hnd ata napost una kong comment. uhmm mam pwede b kita mging consultant? hehe. medyo napabayaan ko n ngipin ko at dmi n sira. how much po kaya ang service?

Place your comment

Please fill your data and comment below.
Name
Email
Website
Your comment