Dentures

Denture maker's weblog about dentures, dental implants and his life

14 December
0Comments

Light Cure Machine

Nasira ang light curing machine ko kanina. Nahila kasi ng naglinis ng Dental Clinic ang kordon. Nalaman ko lang na sira pala noong nacavity prep ko na ang ngipin.

Nakaamba ko nang ilalight-cure ang bonding agent. Pindot. Pindot. O ayaw? Hinila ko sa saksakan. Sinaksak ko ulit. Pindot. Pindot. Ayaw talagang umilaw ng light cure.

Nakanganga ang pasyente. At nakasuksok na din ang hindi pa cured na bonding agent. Sinubukan ko pa ulit gawin. Nagbabakasakaling mapailaw ang LED. Wala, ang kako sa isip ko. Tinanggal ko ang cotton roll holder at saliva suction tip.

Peste ang ikako. Naglinis kaninang umaga ang kasambahay namin. Ang hirap. Hindi ko naman masisi. At wala din siyang muwang kung magkano ang nasira niya.

Ngayon, nasa Manila ako. Dala ko ang ilaw na gamit ko sa Restorative Dentistry. Ipapagawa ko sa New Citizen’s Dental Supply sa Quiapo.

 
No comments

Place your comment

Please fill your data and comment below.
Name
Email
Website
Your comment