Dentist – 30 Years Old
May nagpost sa facebook. Kaklase ko dati sa Dental School. Nagpapaalala siya na malapit na kaming magtrenta mga magkakaklase. Hehehe!
Ambilis lumipas ng panahon. Heto kami’t tumatanda. Malapit nang magtrenta. Samantalang dati, ambabata namin at nag-aaral ng English 101 sa CAS. Physics at ilan pang subjects na may pakinabang at ilan ding walang pakinabang.
May mga hindi nakapagtapos. Mayroong nag-asawa agad. May mga nalate maggraduate. May mga problematic. May mga masayahin. May mga naging don at donya. May mga nagabroad. At madami ang nagtrabaho sa kani-kanilang probinsya.
Heto kami, mga dentista. Malapit nang magtrenta. =D
Place your comment