Dental Website na Naman
May naisip akong dental website na bago. Madami na akong idea na naipon. Ang kulang na lang ay web host. Tinatakam ko pa ang sarili ko bago kumuha ng hosting. Hehehe! Gastos na naman eh.
Bagal ng oras talaga dito sa probinsya. Kaya sa sobrang inip ko kung minsan, kung anu-anong online activities ang naiisip ko.
Kailangan ko nang magupgrade ng camera. P70K ang target ko. Yung bagong Nikon. Tagumpay ang kaibigan ko sa pagkumbinse sa akin.
Madami akong nameet last month na dentists. Mga interesanteng tao. Next meeting siguro, saan kami mapupunta? Ambabait. Ilan sa kanila akala ko masusungit at maere. Kabaliktaran. Ambabait nila. Saludo ako.
Place your comment