Dentures

Denture maker's weblog about dentures, dental implants and his life

Archive for the 'Dental' Category

06 March
0Comments

Season

Parang andaming balikbayan. Kahit hindi naman season ng dental patients na balikbayan.

Weird.

Madami din nangyari nitong nakaraang linggo. May katangahan akong nagawa. Kung meron lang time machine, gusto ko bumalik sa eksenang tinalikuran ko siya. Dapat hindi ko siya tinalikuran. Sana’y nakipag-usap pa ako nang matagal.

Mukhang hindi na ako mabibigyan ng pagkakataong maulit iyon. Sayang.

15 January
1Comment

Sino ang Dentist mo?

Naapektuhan ako ng Filipino time. Meeting namin sa dental chapter. Sabi 4:00 pm ang start. Galing ako sa dulo ng probinsya. Habang ang meeting ay sa kabilang dulo. Hindi ko kabisado ang lugar at nagtext ako. Tinanong ko kung saan banda ang venue. Walang nagreply. Matagal. Sa sobrang tagal, inamag na ako, tinubuan na rin ng gubat ang paligid ko. Wala pa ring nagreply.
Read more…

05 January
0Comments

Dental Patients na Sobrang Kuripot

May mga Dental Patients talaga mistulang ang gusto nila sila na lang ang mabuhay. Tawad ng tawad ang gusto yung pinakamura. Murang mura tapos ang gusto sa final restoration eh perpekto.
Read more…

04 January
0Comments

Dentist – 30 Years Old

May nagpost sa facebook. Kaklase ko dati sa Dental School. Nagpapaalala siya na malapit na kaming magtrenta mga magkakaklase. Hehehe!

Ambilis lumipas ng panahon. Heto kami’t tumatanda. Malapit nang magtrenta. Samantalang dati, ambabata namin at nag-aaral ng English 101 sa CAS. Physics at ilan pang subjects na may pakinabang at ilan ding walang pakinabang.
Read more…

26 December
0Comments

Dental Patients

Antok na antok ako. Napakadaming dental patients kanina. Mukhang madami na naman mamaya. Madami kasi ang pabalik na sa kani-kanilang bansang pinagtratrabahuan.
Read more…

13 December
0Comments

Denture Patients

Background Music: Candy by Mandy Moore (bwahahaha!)
Scene: Dental Clinic
Time: 2:00 Afternoon

Mukhang kakaunti ang nagpapagawa ng dentures ngayon. Kakaunti ang mga dental patients ngayon. Ano ang nangyayari sa mundo?

Kahit sa website kong ito, konti din ang visitors. Hehehe!
Read more…